PANITIKAN NG BANSANG PRANSIYA
Bansang Pransiya
Kaalaman sa bansang Pransiya; pinagmulan, panitikan, atbp.
Makikilala natin agad ang Pransiya sa pambihirang Eiffel Tower nito. Sa mga sikat na pagkain gaya ng Crepes, Baguette, Truffles at Ratatouille. Dito rin matatagpuan ang ilan sa mga "high-end luxury fashion" gaya ng Yves Saint Laurent, Givenchy, Dior, Coco Chanel, Balmain at maging si Jean Paul Gaultier. Talagang kamangha-mangha nga ang bansang Pransiya rahil sa taglay na pinagmulan at panitikan nito.
Ang bansang Pransiya ay kasama sa mga bansang mediterranean na unang nakadiskubre ng paraan ng pagsulat, ang Cuneiform. Dito nagmula ang panitikan ng Pransiya. "Francia" ito ang salitang latin na pinagmulan ng pangalang "Pransiya" na may katumbas na kahulugan, "Ang Lupain ng mga Prangko". Kung titignan sa ibang anggulo, ang bansang Pransiya ay maaring iugnay sa Avignon Privacy. Nakaranas ng digmaan ng relihiyon na naging bunga ng repormasyon sa pagitan ng isang kombinasiyon ng isang protestante at katoliko. Karaniwang ang kultura pranses ay idinudugtong sa Paris, ang sentro o kapital ng bansang Pransiya. Ngunit kung titignan mo ang buhay sa llabas ng Paris ay ibang-iba at nagkakaiba rin sa bawat relihiyon. Naimpluwensyahan ng Gallo-roman Culture, Franks (grupong german) at ng Celtics ang kultura ng Pranses.
Ang kaugalian ng Pranses ay maypagkakaiba sa mga nakaugalian nating mga Pilipino na kung minsan ay nakukuha na rin natin. Gaya ng "Beso" o pagdampi ng iyong pisngi sa pisngi ng iyong kaibigan pag kayo ay nagkikita. Sa hapag-kainan naman ay hindi kayo magsisimulang kumain hangga't hindi nagbabanggit ang may-ari ng "Bon Appetite". Ang tinidor ay naka puwesto sa kanan at ang kkutsara naman ay naka puwesto sa kaliwa. Bawal din ipatong ang kamay sa lamesa habang kumakain para sa pagrespeto, bawal iwan ang plato hangga't hindi nauubos ang pagkain upang paggalang sa pagkain. Pag ikaw naman ay may reregaluhan, mas mainam na bullaklak at alak ang iyong iregalo rahil ito ang mas karaniwan sa kanila. Kung tatawagin mo naman ang iyong kakilala sa publiko, "Mademoiselle" o "Monseur" ang iyong itawag.
Sa usapang paniniwala naman ay mayroon din ang bansang Pranses. Ayon sa kanilang paniniwala, kapag ikaw ay nakatapak ng dumi ng aso gamit ang kaliwang paa, ikaw ay suswetehin at mamalasin naman kung kanang paa. Kung ikaw naman ay hindi Pranses pero may kaibigan kang pranses, huwag kang magreregalo ng kutsilyo rahil nagpapakita ito na pinuputol mo na ang ugnayan at pagiging magkaibigan ninyo. Magsabit ka ng sapatos ng kabayo sa iyong pintuan kung ikaw ay nasa Pransiya upang ikaw ay suwertehin. Meron din silang paniniwala na kapag ikaw ay nakasalubong ng pusang itim, asahan mong may mangyayaring kamalasan sa iyo. kapag naman ay lilipat ng bahay, siguraduhing unahin mong ipasok ang mesa upang may rumating na swerte o magandang kapalaran. Iwasan din ang labing-tatlong katao sa isang mesa rahi ito ay malas. Pinaniniwalaan din na kapag ang isang buntis ay nakakita ng kwago, asahang magiging babae ang anak nito.
Ang bansang Pranses ay kilala sa mga sikat na Luxury Fashion na talagang mapapansin sa mga mamamayan nito. Kilala sila sa hindi matatawaran, pabonggahan at pasosyalan na pananamit. Karamihan ay sunod sa uso kung manamit, sopistikado, detalyado at disente. Halos lahat ng Hollywood Stars ay tinatangkilik ang kanilang fashion mood. Doja Cat, Nicki Minaj, Megan Thee Stallion at Cardi B, ilan sa mga Hollywood Stars na gumagastos ng milyon para sa kakaibang fashion ng Pransiya.
Talaga ngang mayaman sa panitikan ang bansang ito at patuloy na pinagyayaman, iniingatan upang mapasa sa susunod na henerasyon.
"Ang panitikang Pranses ay ang panitikan ng Pransiya o, sa pangkalahatan, ang panitikang nakasulat sa wikang Pranses, partikular na ng mga mamamayan ng Pransiya, kahit na ang manunulat ay hindi nagmula sa Pransiya. Maaari rin itong tumukoy sa panitikan isinulat ng mga taong naninirahan sa Pransiya na nagsasalita ng tradisyunal na mga wika ng Pransiya kahit na hindi wikang Pranses. May mga bansa ding bukod sa Pransiya na nagsasalita ng Pranses. Kabilang sa mga bansang ito ang Belhika, Suwesya, Canada, Senegal, Alherya, Moroko, at iba pa. Ang panitikang ganito, na isinulat ng mga mamamayan ng mga nabanggit na mga bansa ay tinaguriang panitikang Prankopono. Magmula noong 2006, ang mga manunulat ng Pranses ay nagawaran ng mas maraming mga Premyong Nobel sa Panitikan kaysa mga nobelista, mga makata, at mga tagapagsanaysay ng iba bang mga bansa. Ang Pransiya mismo ay nakahanay bilang una sa talaan ng mga Premyong Nobel sa panitikan ayon sa bansa". -Wikipedia
❣️
ReplyDelete👏👏
ReplyDelete🎉
ReplyDelete♥️💯
ReplyDelete♥️💯
ReplyDeleteMarami ako natutunan! Mahusay! 👍🏻
ReplyDeleteGandaa huhu.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletemagaling!!✨
ReplyDeleteMahusay👏
ReplyDeleteAng gandaaaa!!!!
ReplyDelete❤️❤️
ReplyDelete❤️❤️
ReplyDelete❤️❤️
ReplyDeleteMahusay
ReplyDeleteMahusay
ReplyDeleteGaleng!👏
ReplyDelete